World ID Live Check

Patunayang tunay na tao ang user habang nananatiling pribado at hindi nagpapakilala.

Mas magandang paraan para mapatunayang tao ka

Ang World ID Live Check ay isang produktong pinagagana ng Patunay ng Presensya. Pinatutunayan nito ang presensya mo gamit lang ang isang selfie. Ang buong proseso ay may pangangalaga sa pribasiya at isinasagawa lang sa mobile device mo.

Ano'ng ginagawa ng World ID Live Check

Mabilis, pribadong Patunay ng Presensya at sapat na katibayan ng pagkabukod-tanging tao.

  • Kumpirmahing tunay ang user

    Nade-detect na tunay na tao ang sumasailalim sa beripikasyon, hindi larawan, taong naka-maskara, larawan sa screen, o video.

  • Magbigay ng katibayan ng pagkabukod-tanging tao

    Tumutulong sa mga partner app na matukoy kung nakita na ba ang parehong tao, gamit ang pangangalaga sa pribasiya na may sapat na katibayan ng pagkabukod-tanging tao.

  • Panatilihing hindi ka kilala

    Tanging anonymous na patunay at sapat na katibayan ng pagkabukod-tanging tao lang ang natatanggap ng mga app, hindi ang pagkakakilanlan, mukha, o personal na impormasyon nila.

Mula pag-selfie hanggang sa patunay sa loob lang ng 20 segundo

  • Magsimula

    Hinihiling ng partner app sa user na tapusin ang World ID Live Check.

  • Pahintulutan

  • Pagkuha

  • Beripikahin

  • Pagbalik

Kung Saan Mahalaga ang World ID Live Check

  • Mga Discount at referral program

    Pag-iwas sa pang-aabuso at pagbawas ng bisa ng mga insentibo.

  • Libangan at pagbili ng ticket

    Protektahan ang mga bentahan ng ticket na mataas ang demand laban sa mga bot at scalper.

  • Social media

    Siguruhing isang account lang kada tao at paganahin ang permanenteng pagbabawal sa mga lalabag.

  • Eksklusibong mga merch drop

    Totoong fans lang ang puwedeng makapasok.

  • Digital na Advertising

    Mas sulit na paggastos sa ads sa pamamagitan ng pag-abot sa mga tunay na tao.

  • Beripikasyon

    Kung saan hindi sapat ang captcha, mababang katibayan ng 2FA, o KYC.

Mga patotoo

Sinasamantala lang noon ng mga pekeng account ang referral program ng VoxPop para makalikom ng maraming rewards. Sa tulong ng World ID Live Check, mas mabilis at madali na naming napatutunayan kung tao ang isang user, kaya't naresolba namin ang problemang ito nang hindi naapektuhan ang tunay na mga user. Nakatulong din ito para matupad ang pangako naming “beripikadong tao lang” ang makasasali.

Tyler Mulvihill

Co-CEO, VoxPop

Para kay Olena, ang World ID Live Check ay nagbibigay sa'min ng global na paraan para mabawasan ang mga bot at Sybil attacks habang pinananatiling simple ang karanasan sa pag-sign-up. Madaling gamitin at maunawaan ang selfie-based na daloy ng beripikasyon. Kumpara sa iba pang mga liveness check na nakita namin, mas madali 'tong kumpletuhin ng mga user habang naibibigay pa rin nito ang antas ng katibayang kailangan namin.

Suraj Kohli

CTO, Olena Protokol

Ang World ID Live Check ay nagbibigay sa'min ng magaan na paraan para beripikahin ang isang bukod-tanging tao bago magbigay ng trial claim. Sa Agent Trials, bago makapag-claim ng Valiron Pro trial, kailangan munang tapusin ang beripikasyon ng World ID. Ibinibigay namin ang beripikasyong 'yon sa partikular na trial claim, na tumutulong naman para mabawasan ang paulit-ulit na pag-claim gamit ang mga pansamantalang account o sa pamamagitan ng mga automated na pang-aabuso.

Drew Mailen

Kasamang Tagapagtatag, AgentTrials ng Valiron

Bagay na bagay ang pagsasama ng World ID Live Check sa Lolo. Dahil ang layunin ng Lolo ay tulungang ikonekta ang mga tao sa totoong buhay, mahalagang mabigyan ng pagkakataon ang bawat user ng Lolo na patunayang totoong tao sila. Malaking tulong ito para maging mas ligtas at mas mapagkakatiwalaan ang platform.

Ibu Karel

Tagapagtatag ng Lolo

World ID Live Check vs. Beripikasyon gamit ang Orb

Piliin ang tamang antas ng katibayan para sa pangangailangan ng negosyo mo.

Orb

Beripikasyon gamit ang Orb

  • Oras

    Sa personal (isang beses)

  • Katibayan

    Pinakamataas

  • Pinakamabuti Para sa

    Mga pang-araw-araw na app at sitwasyong nangangailangan ng matibay na katibayan

beripikasyon gamit ang selfie

World ID Live Check

  • Oras

    ~20 segundo

  • Katibayan

    Katamtaman

  • Pinakamabuti Para sa

    Mga pang-araw-araw na app

Magsimula na ngayon

Makipag-ugnayan para maiskedyul ang demo.

Tungkol sa kumpanya mo
Bilang ng mga empleyado *
Sumasang-ayon ako sa pagkolekta at paggamit ng Tools for Humanity ng personal kong datos para sa mga layuning nabanggit sa itaas.

*mga kailangang sagutan

Kapag isinumite ko ang form na ito, pinahihintulutan ko ang Tools for Humanity Corp. (TFH) na kolektahin at iproseso ang personal kong datos sa loob ng 2 taon, para makipag-ugnayan sa akin tungkol sa kahilingang ito at makipag-ugnayang muli tungkol sa interes kong makipag-partner sa kanila. Nauunawaan kong may karapatan akong bawiin ang pahintulot ko at kinikilala ko ang Paunawa sa Pribasiya ng TFH.

Mga Madalas Itanong

Ang World ID Live Check ay isang simple at madaling paraan ng beripikasyon sa World ID para mapatunayang totoong tao ang user. Nagbibigay din ito ng sapat na katibayan ng pagkabukod-tanging tao, nang hindi ibinabahagi ang pagkakakilanlan o personal na impormasyon nila.

Hindi. Ang selfie na larawan ay nananatiling nasa device at sa World App. Hindi ito ina-upload sa World o ibinabahagi sa mga partner app.

Hindi. Hindi kinikilala ng World ID Live Check kung sino ang user. Tanging anonymous na Patunay ng Presensya at sapat na katibayan ng pagkabukod-tanging tao lang ang natatanggap ng mga app.

Hindi. Hindi kailanman natatanggap ng mga partner app ang selfie na larawan o anumang biometrics na datos. Tanging cryptographic proof lang na natapos na ang beripikasyon ang natatanggap nila.

Hindi. Ang beripikasyon gamit ang Orb ay nagbibigay ng matibay na Patunay ng Pagkatao. Ang World ID Live Check naman ay mas magaan na opsyon na nagbibigay ng Patunay ng Presensya at uniqueness signals gamit ang selfie presence check na base sa mobile device.

Ang World ID Live Check ay idinisenyo para magamit sa iba’t ibang panig ng mundo kung saan sinusuportahan ang World ID, depende sa lokal na regulasyon at availability ng produkto.