World ID Logo

World ID App

Ang World ID App ay isang ligtas na lugar para mapatunayang isa kang bukod-tanging tao online gamit ang World ID, pamahalaan ang mga ID mo at mag-log in sa ka-partner naming mga app.

Kunin ang mga credential mo

Maghanap ng Orb para maipaberipika ang World ID mo at makakuha ng patunay ng pagkatao. Pagkatapos mong maipaberipikang tao ka, ang datos mo ay i-eencrypt, ipadadala sa telepono mo at tuluyan nang buburahin mula sa Orb.*

*Tanging ang telepono mo at ang World ID App lang ang may hawak ng datos mo.

Ligtas na mag-log in sa paborito mong mga app

Higit 18 milyon na ang beripikadong tao. Higit 450 milyong beses nang ginamit bilang ID.

Mapa-Tinder man o Zoom, magagamit mo ang beripikado mong World ID bilang patunay na isa kang bukod-tanging tao sa kahit anong partner app namin.

Alamin pa ang tungkol sa World ID

Paparating na sa Zoom, Vercel, DocuSign, Okta at marami pang iba.

Mga Update sa World ID App

Mga Madalas Itanong

Ang World ID App ay isang ligtas na lugar para mapatunayang isa kang bukod-tanging tao online gamit ang World ID, pamahalaan ang mga ID mo at mag-log in sa ka-partner naming mga app.

Gamitin ang World ID App para makahanap ng Orb sa paligid at makapagpaberipika. Pagkatapos, magagamit mo na ang beripikado mong World ID bilang pribadong patunay na tao ka sa ka-partner naming mga app at serbisyo.

Kapag humingi ang isang app, platform o AI service ng patunay na tao ka, madali kang makakapag-authenticate gamit ang beripikado mong World ID sa World ID App. Tinatanggap din nito ang iba't ibang authenticator, kaya't para lang itong pag-a-unlock ng telepono mo o pag-sign in gamit ang social media account mo.

Isang protektadong cryptographic proof lang na isa kang tunay at bukod-tanging tao ang ibabahagi ng World ID App. Hindi nito ibabahagi ang personal mong impormasyon, mga larawan, numero ng pasaporte o iba pang detalye ng pagkakakilanlan.

Hindi. Ang sensitibong personal na impormasyon, kabilang na ang mga larawan, numero ng pasaporte at iba pang detalye ng pagkakakilanlan, ay mananatiling naka-encrypt sa device mo at hindi ibabahagi sa mga app o serbisyo sa pamamagitan ng World ID App.

Hindi. Tanging ang partikular na patunay o credential na inaprubahan mo mismo ang matatanggap ng mga app. Ang personal mong datos ay mananatiling naka-encrypt sa device mo at hindi kailanman ibabahagi nang wala ang pahintulot mo.

Oo. Maaaring humingi ang mga app ng partikular na mga credential o datos, at ikaw ang magpapasya kung aaprubahan mo ang bawat request. Ang hinihinging patunay lang ang ibabahagi, kaya naman ikaw pa rin ang may kontrol sa impormasyon mo.

Magkaiba ang layunin ang World ID App at World App kahit pa nasa iisang network lang ang mga ito. Ang World ID App ay nakatuon sa pagpapatunay na tao ka, at sa pagbeberipika at pamamahala ng mga credential. Samantala, ang World App naman ang sentro ng mga feature para sa pera tulad ng mga wallet, pagbabayad, grant at Mini App.

Habang mas nagiging matalino at laganap ang mga AI agent, mas lalo na ngayong mahalaga para sa mga tao, negosyo at platform na malaman kung tunay at bukod-tanging tao ang kausap nila. Ang World ID App ay nagsisilbing pamantayan sa buong mundo para maitaguyod ang tiwala nang hindi kinakailangang ibigay ng user ang personal nilang impormasyon.

Kapag ginagamit ng isang tao ang World ID nila, isang zero-knowledge proof (ZKP) ang pipigil sa mga third party na masubaybayan ang nasabing tao sa iba't ibang application. Tinitiyak din ng mga ZKP na hindi maiuugnay ang paggamit ng World ID sa anumang biometric data o bukod-tanging code na ginagamit para maberipika kung sila ay tunay ngang tao at bukod-tangi.

Gumagamit ang World ID ng isang open source protocol na kilala bilang Semaphore na tinitiyak na hindi maiuugnay ang mga beripikasyon sa pagkakakilanlan ng isang tao, maging sa mga beripikasyon sa iba pang application.

  • Makikita ang mas detalyadong pagtatalakay tungkol sa ZKPs at Semaphore dito.
  • Makikita ang buod ng pinakamahahalagang proteksyon ng World para sa pribasiya dito.