Welcome HeroWelcome Hero

Maligayang pagdating

Sa tulong ng World ID, ligtas at pribado mong mapatutunayang tao ka online, at hindi isang bot o deepfake lang.

Sa World, prayoridad ang kapakanan nating mga tao sa panahon ng AI. Pinapatunayan nitong tao ka sa mga online video call, gaming, social media platform, dating at iba pa.
Maging isa sa counter beripikadong taong mayroon nang World ID.

Magsimula na, magpaberipika na

Hakbang 1/3

Orb

I-download ang World ID app at i-set up ang profile mo.

Hakbang 2/3

magpaberipika

Lumapit sa Orb (30 cm/1 talampakan ang layo) at sundan ang mga hakbang sa app para makapagpaberipika.

Hakbang 3/3

Tanggapin ang World ID mo

Gamitin ang beripikado mong World ID at patunayang isa kang bukod-tanging tao online.

Tungkol sa Orb

Ang Orb ay isang open source device na nagbeberipika kung isa kang bukod-tanging tao nang hindi kinukuha ang iba mo pang impormasyon.

Alamin pa

Ang pribasiya mo sa World

Ikaw ang nagmamay-ari at may kontrol sa datos mo. Wala kaming itatabing personal na impormasyon, kahit pa ang pangalan mo.

Alamin pa ang tungkol sa World

Ang World ay ang bagong mukha ng tiwala para sa mas ligtas na internet.

Mga Madalas Itanong

Kapag nagpapaberipika ka ng World ID sa Orb, paminsan-minsan ay may lalabas na
error message sa World ID app mo. Kapag nangyari ito, pakisundan lang ang mga hakbang na nakalagay sa artikulong ito.

Tulong sa beripikasyon

Hindi, isang beses mo lang kailangang ipaberipika ang World ID mo sa Orb.

Para magamit ang beripikado mong World ID, buksan lang ang World ID app sa telepono mo kapag kailangan mong patunayang tao ka sa isang app o website:

  1. Kung mayroon nito, makikita mo ang opsyong “Mag-sign in gamit ang World ID.”
  2. Pindutin ito, at kusa nang bubukas ang World ID app sa mobile device mo. Kung desktop naman ang ginagamit mo, ipapa-scan sa'yo ang isang QR code gamit ang World app.
  3. Tingnan ang request at aprubahan ito sa pamamagitan lang ng isang pindot.

Madali mo lang maba-backup ang account mo. Piliin lang ang iCloud (iOS) o Google Drive (Android) backup sa World ID app.

Basahin ang pag-iisa-isang gabay

Ikaw ang may buong kontrol sa datos mo. Pagkatapos mong mapatunayang tao ka, ang datos mo ay i-eencrypt, ipadadala sa telepono mo at tuluyan nang buburahin mula sa Orb.

Tanging sa telepono mo lang puwedeng ma-install ang World ID app, at ito lang din ang may hawak ng World ID mo. Puwede mong burahin ang datos mo anumang oras sa World ID app. Pindutin lang ang Pribasiya at Seguridad sa ilalim ng profile mo.

Makikita ang karagdagang impormasyon sa world.org/privacy.

[18+] Hindi pinapayagan ang mga menor de edad na gumamit ng anumang serbisyo ng World, kabilang na ang pagpapaberipika ng World ID sa Orb. Habang nagpapaberipika, ipalalagay sa'yo ang petsa ng kapanganakan mo. Pagkatapos, kaagad na susuriin ng Orb ang edad mo. Ginagamit lang ang petsa ng kapanganakan mo para maberipika kung pasok ka sa kinakailangang edad at hindi namin ito irerekord o itatabi.

Kung ang inilagay mong petsa ng kapanganakan ay nagpapakita na wala ka pang 18 taong gulang, o kaya naman ay natukoy ng Orb na menor de edad ka pa lang, hindi mo magagamit ang World ID app at hindi ka makakapagberipika sa Orb. Kung sa tingin mo ay nagkamali lang kami sa pag-block sa'yo, kailangan mong magbigay ng dagdag na patunay ng edad (halimbawa, valid ID) o kontakin ang Support. Kung kailangan mo pa ng tulong, pakitingnan lang ang artikulong ito.

Tulong sa beripikasyon ng edad